\

Furry Majo

Kill me...

Submit

Posts tagged with ‘merde’

2013

Yey!

Napakaganda ng taong ito sakin. Sobra! Daming blessing di ko mabilang hihi. Salamat bro.

Sana mas maging blessed ako sa 2014 lalo na sa career. Sana rin makamit ko na yung seksing katawan na pinapangarap ko haha.

Sabi nga ng iba. Push!

Ang dami nang post na ganito. Well kailangan yun sa buhay kaya yung mga kj at puro kashitan ang sinasabi magbago kana oy. Lalo na yung mga netizens haha.

Tara push na. 2014 na mamaya.

3 notes   /   reblog

Papa Jack & Chicoloco

"Yak Love Radio? Yes fm? Ba yan jologs"

Isa sa mga unang reaksyon ko nung hindi pa ako nakikinig sa dalawang yan hihi sorry kinain ko ang mga sinabi ko na hindi ako makikinig sa mga ganyan.

Simula nung nag-night shift ako sa trabaho ko. Natuto akong makinig sa kanila. Nakakatanggal ng antok at lagi akong out-of-place kapag nagtatawanan yung mga opismate ko. Tumatawa sila mag-isa sa station nila haha. So dun na ako nagtaka ano bang meron sa dalawang yan.

Nung una sobrang nakokornihan ako pero habang nagtagal ayos na haha. Sobrang normal lang ng usapan lalo na kapag friday ng gabi,”Gabi na gising na” nagsasama sila sa ere. Ang saya pakinggan lalo na kapag hindi “bungol” yung caller.

Tapos nakakaloko pa tong si chicoloco akala ko nung una may mga kasama talaga siya na iba kasi ang dami niyang katauhan sa boses niya sina: kapitan tutan, lola kerps, madam chiqui, notnot, chiklet at si koyang. Isa sa mga kalokohan na ginagawa niya e tumawag sa ibang istasyon at tawagan yung nanay niya overseas para lang tanungin kung nafriendzone na ba itey haha.

Yung kay papa jack naman madalas nagigising ako sa mga payo niya. Madalas din hindi ko gusto yung pagpapayo niya well kanya kanyang opinyon naman yun e. Medyo serious talk kay papa jack pero mahusay sya mag analyze ng mga bagay bagay.

Wala naman naikwento ko lang kasi nung nakaraang linggo wala sila sa ere. So bored na bored na ako at antok na antok sa trabaho at wala akong mapakinggan na matinong istasyon. Hindi ko matake yung isang istasyon na ipagmamatch yung dalawang caller haha ang cheap.

Pero pagdating sa music mas gusto ko dun sa 88.3 mas trip ko yung mga pinapatugtog dun minsan.

Yun lang hihi. Wala naman palang masama makinig ng pang-masa na Radio :)

2 notes   /   reblog

Ganito pala ko magedit-edit ng pektyur. Waley akong ginagamit na mga presets ngayon dahil nabura ko ata yon sa dati kong computer haha. Tamad na ulit ako maghanap e.

0 notes   /   reblog

Night Shift

Dati ayaw na ayaw ko pang magtrabaho sa gabi. Kesyo mahirap kesyo baka makatulog ako kesyo babagsak ang katawan ko.

Teka ano ba yang “kesyo”?

At laging tingin ng iba sakin e call center agent. Porket ba nagtatrabaho sa gabi eh kolsenter na? Hindi ba pwedeng bugaw muna? Haha at ang bobo ko kaya sa ingles. Kaya malabo yun. Anywayyyy.

Sabi ko pa noon hinding hindi ko kaya magtrabaho sa gabi. Pero ngayon halos kalahating taon na palang abnormal ang oras ko.

Kaya ko naman pala magtrabaho sa gabi. Mas masaya pala magtrabaho sa gabi kesa umaga. Ang sarap maglakad ng mabagal sa gitna ng kalsada ng ayala ave. haha! Like a boss!

Walang mga busy na taong nagmamadali maglakad papasok ng trabaho. Nakakastress kaya sila tingnan. Sa gabi ang smooth lahat ng paligid.

Ang panget lang talaga e nakakatamad pumasok minsan dahil ang sarap lang matulog sa gabi. Haha.

Sa ayaw ko’t sa ayaw kelangan ko magtrabaho sa kahit anong oras para mabuhay ko tong mga kapatid ko sakin lang sila umaasa.

May highschool akong pinag-aaral. May baby akong binubuhay, pamangkin ko haha. Kaya hindi pwede na pa-banjing banjing ako.

Teka ano ba yang “banjing” na yan.

Kaya maswerte lang talaga ako minsan may mga biglang biyaya na dumadating saken.

Naging maganda naman ang taon na ito sakin. Sana matapos din nang maayos. Sana walang magkasakit sa kanila.

Thank you Lord sa lahat. Sobra! Dabest ka talaga. Mameet sana kita kahit minsan haha inom tayo.

Minsan na nga lang magtumblr ang drama pa haha.

Signs of aging na talaga ata to.

5 notes   /   reblog

Hindi ko kayang magtrabaho na wala to. Kaya kagabi muntik pakong bumili sa tabi-tabi ng mumurahing earphones kaso 150php pala yung pinakamura. Kaya wag na lang masyadong mahal para sa fake haha.

Badtrip na badtrip talaga ako kapag eto ang naiiwanan ko. Maarte ako masyado e.

Feeling ko malungkot ang mundo kapag walang musika. Nakakaboring buti nalang may naawa sakin at nagpahiram ng earphones. Medyo nakumpleto ang araw ko.

2 notes   /   reblog

Masarap magtrabaho v.2

Kapag tinatamad akong magtrabaho. Kinukumpara ko ang buhay ko nung estudyante pa ako. Masarap din kasi ang buhay ng estudyante kasi:

- Walang stress na trabaho.
- Hindi mo kailangang magpa-impress sa mga boss para hindi ka palayasin.
- Pag estudyante ka pwede umabsent kasi hindi naman bayad ang oras mo.
- Palamunin ng magulang.
- Aral, kain, tulog, gala.
- Suspendido ang klase pag may bagyo o habagat.
- May discount sa jeep at bus.
- Wala kang ibang gagawin kundi mag-aral unless working student ka.


Pero masarap din ang may trabaho kasi:

- Walang iniisip na trabaho sa weekends.
- Bayad ang oras mo kahit pagihi mo sa banyo bayad.
- Mas natututo sa buhay at sa field na tinatahak mo.
- May sariling arep.
- Walang thesis pero may totoong project haha.
- Walang kupal na mga prof.
- Walang kupal na mga klasmeyt.
- Walang kupal na misc. fees.
- Walang mahabang break haha.

Ganito yung mga bagay na tumatakbo sa utak ko. Ganito ko labanan ang katamaran. Kaya ikaw kung feeling mo tinatamad ka na sa trabaho mo basahin mo ang “Masarap magtrabaho v.1”

Think positive lang palagi at magpasalamat sa Diyos. Magiging okay din ang lahat. Basta relax ka lang haha.

4 notes   /   reblog

Masarap magtrabaho v.1

May mga oras talaga na tamad na tamad ako sa buhay. Tamad akong magtrabaho. Tinatamad na ako pero tumatagal lang naman yung ng 30 minutes. Kasi iniisip ko kapag hindi ako nagtrabaho:

- Walang makakain ang mga kapatid ko.
- Maguguton sila momay, byuti, bruno at dooby
- Hindi ako makakapagbayad ng renta, tubig at kuryente.
- Hindi na ako makakabili ng cheez whiz at saging.
- Magiging dry ang buhok ko.
- Hindi na ako makakabili ng shake shake fries.
- Hindi na ako makakabili ng bavarian dunkin donuts.
- Magiging maputla ang labi ko.
- Wala na akong matotoma kapag nauuhaw ako sa alak.
- Hindi na ako makakabili ng panty.
- Wala nang baon ang kapatid ko.
- Hindi na makakabili ng pampers at gatas ang pamangkin ko.
- Baka pati pasador i-utang ko pa.

Masaklap kapag walang trabaho. Kaya kapag naiisip ko yan. Ginaganahan na ulit ako magtrabaho ng magtrabaho.

Kaya maswerte ka kapag may trabaho ka dahil makakabili ka ng pringles yung original at yung malaki pa hahaha!

4 notes   /   reblog
Older →